RSS

An online diary of someone who tends to forget easily.

Vice Ganda Jokes

Vice Ganda JokesQuotes and Lines


Nakakita siya ng guwapo, di nakapagpigil
Vice: Hi, ano pangalan mo?
Gwapo: Ako po?
Vice: Hindi sila, may nakikita ka pa bang tao? Malamang ikaw, ang tanga.

Sa gasoline station, pagbaba nya ng window
Gas boy: Magpapagas po?
Vice: Hindi magpapaconfine ako. Malamang magpapagas, gasolinahan ‘to 'di ba? Alangan magpaconfine ako dito, tapos dextrose ko 'yung unleaded 
gasoline niyo, at ayun na yung ikakamatay ko.

Sumakay siya ng jeep na walang laman papuntang palengke
Vice: Manong bayad po.
Manong1: Ilan ‘to?
Vice: Ay manong dalawa yan, nakakahiya kasi sayo, kahit ako 
lang mag-isa sakay mo, dalawa na ibabayad ko, libre na kita kahit sayo 'tong jeep.

Bababa na sya
Vice: Manong, para.
Manong1: Bababa ka na?
Vice: Ay hindi manong, sasakay ako. Sasakay ako ulit, dun naman ako sa bubong, mas presko kasi dun.

2nd attempt
Vice: Para ho.
Manong1: Dyan ba sa tabi?
Vice: Ay hindi manong. Dun ako sa gitna, sa gitna para masagasaan ako.

Binaba siya sa gitna
Vice mabundol ng isa pang jeep…
Manong2: Nasaktan ka ba?
Vice: (naasar) Ay hindi, nag-enjoy ako. Ulitin natin, bunguin mo pa. Isa pa! Dali! Ang sarap kasi! Nakabundol ka tapos itatanong mo kung masakit? Ikaw kaya bundulin ko? Tapos i-share mo skin feelings mo, kaya na-enjoy mo, sige magbungguan tayo. Laruin natin, ipauso natin, bunggu-bungguan.

Sa Opisina
Vice: Pasok mo nga dito yung mga papeles ko..
Assistant: Sir saan ko ipapasok , dito sa loob"?
Vice: Hinde sa labas, ipasok nga diba.pwede bang ipasok sa labas, sige nga subukang 
mong ipasok doon sa labas

Another Day
Kararating lang sa opisina
Assistance: Hi. good morning po ser nandito na po pala kayo.
Vice: Hinde wala pa, picture ko lang toh, hindi pa ako to.

Naospital yung pamangkin, kasi buntis (dinugo)...
Pumuntang emergency room:
Vice: Nurse tulong!
Nurse: Ano pong nangyayari? Manganganak?
Vice: Ay hinde, ipapatira ko pa lang.dinudugo na nga diba. Syempre manganganak na

2nd Attempt
Vice: Bilisan mo na!
Nurse: Ano pong gusto niyo? Tawagin ko si dok?
Vice: Hinde ako na kaya ko na toh! Doon na lang kayo, baka nakakaabala pa ako sa inyo!

3rd Attempt
Tagal ng doctor..
Vice: Yung ulo ng bata lumabas na!
Nurse: (nagtatakbo) Ay ano yan ulo ng bata?
Vice: Hindi ulo ng **** ng bata..bwiset

Patay Tatay
Vice umiiyak sa harap ng kabao ng tatay
Dumating si bestfriend, hinimas-himas yung likod ni Vice
Best friend: Uy, okey ka lang?
Vice: Ikaw hayop ka, patayin ko tatay mo? Okey ka lang!?
Vice: ********* ka tatay ko nasa kabao, tapos tatanungin mo ko kung okey ka lang!
Vice: okey lang ako, ako pumatay eh..bigtime! success patay na eh.. nasan tatay mo sunod na naten?! Para okey ka den!

Vice papuntang fastfood
Vice: (Umupo)
Waiter: Gud afternun po! Kakain po kayo?
Vice: Hindi, magluluto, tutulungan ko chef nyo.. Kakahiya naman nakiupo ako dito tapos hindi pa ko tutulong.. Bilis na.. Gusto mo tulungan pa kita sa mga 
customers nyo.. Tapos aasenso business nyo.. Edi masaya, di ba? Umunlad na kayo, nagutom pa ko.. Ang galing noh?

Vice nakaupo sa park.. Walang nakaupo sa ibang upuan..
Manong: Pwede po bang umupo dito?
Vice: Hindi, tinatalunan yan.. Nakikita mo di ba, ang daming nakaupo.. Mamaya tatalunan ko yan.. Tapos sabay nating gagawin.. Sama na rin natin yung mga dumadaan.. Para mukha tayong mga baliw lahat.. Bilis na, simulan mo na.. Maya-maya lang susunod ako.


Vice Ganda Quotes

“A Goal is a Dream with a Deadline”
“A dream without action is a Wish”
“Ambaho mo wala kang PERSONAL HYGIENE. Kung ikaw lang din magiging jowa ko mamamatay nalang akong VIRGIN.”


Vice Ganda Lines and Punchlines

Q: Sinong gusto mo, si Dora o so Winnie the Pooh?
A: Si Dora.. The rat killer.

Q: Sino po bang mas maganda, ikaw o si Cinderella?
A: Hindi ko alam, pero ang alam ko mas maganda ako kay 
Lion King.

Q: Bakit hindi ko mabilang yung buhok ko?
A: Kaya mo yan. Magtiis ka lang.

Q: Tuli ka na ba Vice?
A: Oo, baket gusto mo yung balat ibibigay ko sayo.

Q: Sinong pinaka unang bakla sa mundo?
A: Baka yung ahas, kase sinisilipan niya si Adan.

Lola: Lagi akong nanunuod sa iyo....
Vice Ganda: So sinusumbat nyu po po sakin yan? Joke lang po!

Q: Paano nyo po malalaman kung babae o lalake yung nasa loob ng CR?
A: Edi abangan mong lumabas.

Q: Sino pong kamukha nyong artista?
A: Dawn Zulueta. Walang kaisip isip

Q: Kapag inaya ka ni Manny 
Pacquiao na magboxing, papayag ka?
A: Pag inaya kang makipaglaplapan ni Aling Dionisia papayag ka?

Q: Anong gagawin mo kung napajebs ka sa underwear mo habang nagjujudge ka sa showtime?
A: Edi isasample ko sa mukha mo.

Source:

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment