RSS

An online diary of someone who tends to forget easily.

Pagbabago...

A part of something written somewhere that I can relate

PAGBABAGO. Sa ibang relasyon, nakakatulong. Pero sa madami pang ibang relasyon, hindi. ‘Yan ang kadalasang problema sa isang relasyon. ‘Yung bang mag-dadrama ang isa at sasabihing “Nagbago ka na.” , “Hindi na ikaw ‘yung dating kilala ko.” at madami pang iba. Maraming dahilan ba’t nagbabago ang isang tao at ang isang relasyon. Pwedeng wala lang, pagod na sa kakaintindi, sawa na sa mga walang kwentang drama o ang malala ay Hindi ka na niya mahal o May mahal na siyang iba. Masakit ‘yun diba? ‘Yung bang dating nagtetext ng mga sweet messages sayo, ngayon nakakalimutan na kahit mag-good morning man lang. ‘Yung dating atat na atat na makasama ka, ngayon hindi man lang nag-eeffort para kahit ilang minuto man lang eh makasama ka. ‘Yung dating nagpapatawa at nagpapangiti sayo, ngayon puro iyak nalang dulot sayo. ‘Yung dating nilalambing ka pag nagtatampo, ngayon siya pa mas nagagalit. ‘Yung dating hindi gagawin ang alam niyang ayaw mo, ngayon go pa rin kahit magalit ka. At kung anu-ano pa. Ilan lang ‘yan sa mga pagbabagong nangyayari sa isang relasyon. 

Mayroon talagang pagkakataon, este, mayroon talang mga pagkakataong dumaraan ang isang relasyon sa ganyang punto. 

Bihira nalang kasi ‘yung mga magka-relasyon na nagtatagal at nagkakatuluyan. Hindi na kasi alam ng marami ang tunay na ibig sabihin ng salitang “love”Oo nga pala, gusto kong ibahagi sainyo ‘yung isang quotation ni St. Marie Eugenie of Jesus na, “Love never says, I have done enough.”  So, good luck sa mga tao dyan. Ayusin ang dapat ayusin. Pag-usapan ang dapat pag-usapan. Wag niyong hayaang umabot kayo sa gantong punto na kulang nalang eh buhusan ko kayo ng isang timba ng tubig sa dry niyo.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS